|
kurikong
|
read my profile
sign my guestbook
Name: Densho Gender: Male
Interests: matulog, kumain, maglaro, mangulangot tapos tumunganga't mangarap ng gising Expertise: magpaka ---> sutil. =P Occupation: mangunsumi
Message: message me
Member Since:
3/5/2003
|
|
SubscriptionsSites I Read
|
|
|
|
| Paki turn-on naman yung a/c. Dalhan mo na rin ako ng halo-halo. O kaya ice cream. Pwede na rin drumstick. Ice sandwich? Ehhh, ice candy? Yung buko flavor, ha! Wala? Maligo ka na lang. Magbabad ka na lang sa tubig hanggang kumulubot yung mga dulo ng daliri mo. No? Tumapat ka sa springklers niyo. Malamig yun. Ayaw pa din? Pakihugasan na rin yung kotse. Tagal ng hindi pinapaliguan. Sumabay ka na din. Nung isang buwan ka pa huling naligo, eh. Tapos maglakad lakad sa mall. Malamig dun. Dami pang tsiks (anong tsiks!?). Heh. Di na pala pwede yun. Balik na lang sa pagpaligo ng kotse. Para mahimasmasan ka na din. Dahan dahan baka madulas ka't bigla kang matauhan dyan. >.< Init pa din. Itutulog ko na lang to. Sige paalam! Sana bukas mas malamig na. Pwede na ulit hindi maligo. | | |
| Hindi ko na alam ang isusulat ko. Pramis! Ay suko na. AY-GIB-AP! Ang dami ko nang drafts na sinimulan at binura. *Hila ng buhok sa ilong* Gusto ko nang magpahinga't matulog. *Hila ng buhok sa kili-kili* Mag aapat na oras na ko dito sa harapan ng monitor ko. Para kong contestant sa Pera O Bayong. Back en port *Kamot sa kili-kili dahil makati* Sulat, bura, sulat, bura. *Tingin sa piktyur niya* Pero ni isa eh walang tumugma sa nararamdaman kong saya! Putangina! Nakakabaliw! Ubos na utak ko kaka isip! Putangina talaga! Kurikong's gonna get choked. (Isasakal na si Kurikong!) *bow* | | |
| Nagbabasa ng Friendster yung isang mama habang naglalaro ng online poker. Ganyan talaga kapag lumilipas ang mga araw ng hindi mo alam.
Minsan nakakalimot ka na lang. Minsan naman talagang napahiwalay lang. Napupunta sa malayong lugar. Patawag-tawag na lang kung kelan pwede. Iimbitahan ka kung merong okasyon. Madalas naman wala sa schedule mo at hindi ka pe-pwede. Hanggang sa wala ng tawagan. Internet connection na lang. Friendster, Myspace, Facebook. Eh, kadalasan naman hindi ka din makapag-online at maki tsismis. Malalaman mo na lang na buntis, nanganak, naghiwalay, nagasawa, umuwi ng pinas, lumipat ng tirahan, ng trabaho, merong bagong kotse, at kung anu-ano pa. Nakakatuwang basahin at malaman ang mga nangyayari sa mga buhay buhay nila. Nakakalungkot din dahil wala ka doon. Wala ka na sa inner circle. Hindi ka naman "others" pero parang ganun na rin kase wala ka na doon. Hindi ka na kasama sa mga unang makaka alam na nabuntis pala si ano. Nakabuntis pala si ganon. Nagpakamatay pala yung si... medyo graphic yata. O, kaya naman eh graduate na si ano ng ano. Na sisante si ano dahil puro ano at kung anu-ano ang ano. Mga ganung bagay ba. Nakaka miss, hindi ba? Gusto mo mang makihalubilo at maki-jamming ulit, eh hindi ganon kadali. Meron ka din namang sarili mong inaabala. Heh, kung ano man yon. Hindi naman sinasadyang magkaroon ng empty spaces in between. Siguro ganon lang talaga yun. Pero hindi naman sila nawalan ng kuya, tol, pre, at kaibigan. Pag pasensyahan na lang sana. Kurikong misses the good old days. *malayo ang tingin... hindi naman duling* | | |
| Dahil na rin siguro sa pagiging makulit at pilyo mo kaya kita nagustuhan. Sa pagiging tapat mo sa sarili mo kaya kita hinangaan. Sa pagiging dedikeyted mo sa mga prinsipyo mo kaya kita ini-idolo. At dahil sa pagtanggap mo sa isang katulad ko kaya mas higit pa kitang minahal at patuloy na mamahalin. Nais kong magpasalamat. Tapatan. At kung posible, higitan ang saya na bigay mo. Alay ko ang aking sarili sa'yo. .......... _ang laki ng mundo, noh? and dami daming tao. 'no sa palagay mo? tulad na lang ng city na to. kung may makasalubong kang isang tao ngayon. bukas at sa mga susunod na bukas may malaking tyansang hindi mo na sila makita. ang swerto ko pa lang nagkita tayo. ulit.  | | |
| Sabi nga ng mga matatanda... "Ang batang masipag... pag laki, pagod!" O, napanood mo pala 'yon? Ako inde, eh. Eto? "Ano 'to? ...Superman! Eh, ano naman 'to? ...Superfriends! Eh, eto? KAMAYYY!!!" 'Yan napanood ko yan! tawa nga ako ng tawa. Patok sa takilya. Napanood ko din yung reunion concert ng EHEADS pare! Pak syet! Astig pa rin sila! Nanood din ng concert ni Sara Geronimo. Gleng gleng! =) Napanood ko din yung Happy beginning nung isang mama dyan. Hindi na nga makapag intay na mag magumpisa eh. Kelan ba? KELAANNN?!?!? There are two things that you become when you have finally meet your better half. Either you're Complete or Finished. Me? I'm completely finished.  _time warp. + 3 years. ang daming nabago. ang daming nawala na lang. ang dami ding nadagdag. akalain mo nga naman, e noh? ganun talaga kung matagal kang nawala. | | |
|